Pinagbabaklas ng mga tauhan ng Manila Department of Public Safety (DPS) ang sari-saring tindahan na nagpapasikip umano sa kalsada sa Port Area, Maynila.
Pasado alas-9 ng umaga nang sumugod ang mga tauhan ng DPS sa Railroad Drive at sinuyod din ang 12th Harbor Street kung saan halos sinakop na ng mga vendors ang malaking bahagi ng kalsada kaya hindi na madaanan ng maayos ng mga behikulo. Hindi na nakapalag ang mga may-ari ng mga stalls nang gibain ang mga itinayo nilang istruktura habang kanya-kanyang hakot naman ang mga tindero ng kanilang mga pa-ninda. Nagbigay ng segu-ridad ang mga tauhan ng Manila Police District-Special Ma-yor’s Reaction Team sa pangunguna ni PMaj Rosalino “Jhun” Ibay sa demolition team. Sinabi ni Ibay na karamihan sa mga may-ari ng mga puwesto na giniba ay may mga sariling bahay sa Baseco sa Tondo at sa Greenhills sa San Juan. Ginawa na rin umano ng mga vendor na bodega ang mga puwesto habang sinakop nila ang kalsada para mai-display ang mga paninda. Nitong nakaraang Martes, unang sinuyod ng MDPS at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang mga kalsada sa Malate, Maynila na nagsagawa ng ‘‘clearing, clamping at impoun-ding operations’’ sa mga sasakyan na ilegal na nakaparada. Nasa 26 na sasak-yan ang na-clamp dahil sa illegal parking habang 48 na motorsiklo at apat na sasakyan ang kanilang na-tow. Isinasagawa ang operasyon dahil sa reklamo ng mga residente at motorista sa mga pasaway na may-ari ng sasakyan na walang disiplina sa pagpaparada ngayong panahon ng pandemya.
0 Comments
Naghahanap ng 200 teacher-broadcaster ang Department of Education upang mag-produce ng mga episode para sa kanilang ‘DepEd TV,’ kung saan ihahatid ang mga aralin sa mga bata, sa pamamagitan ng telebisyon.
Sinabi ni Education Undersec. Alain Pascua, nasa 100 pa lamang ang nakukuha nila at nangangailangan pa ng 200 para makagawa na ng mga episode sa DepEd TV. Aminado ang DepEd na mahirap makapili ng teacher-broadcaster dahil kahit eksperto ang mga guro sa kanilang subject matter, kailangang kaya rin nitong magturo sa harap ng kamera. Nasa 130-200 episodes ng mga TV lecture ang kailangang i-produce ng mga teacher-broadcaster kada isang linggo, o hanggang limang episode kada guro. Ang School Year 2020-2021 ay nakatakda nang magsimula sa Oktubre 5. Itinigil na ng Japanese Coast Guard ang full time search and rescue operations nito sa nawawalang 36 Pinoy seamen na sakay ng lumubog na Gulf Livestock 1.
Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello na ipinabatid sa kanya ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Osaka, Japan na inilagay na lamang sa normal search ang pagpapatrulya matapos wala ng makitang bakas ng lumubog na barko. Sa search and rescue ops, tatlong barko, apat na eroplano at dalawang divers ang pinakikilos sa paghahanap sa mga mandaragat na sakay ng “cattle ship” na Gulf Livestock 1. Matatandaan na lumubog ang Gulf Livestock sa karagatan sakop ng Japan kung saan sakay ang 43 tripulante kabilang ang 39 Filipino ngunit tatlo lamang sa mga ito ang natagpuan. Ang dalawa ay buhay at nasa maayos nang kondisyon ngunit ang isa naman ay kinumpirma kalaunan na nasawi. Galing sa New Zealand ang barko patungo ng China nang abutan ng bagyo sa East China Sea. ‘Isinulong ni Senate President Vicente Sotto III ang panukalang magtatakda sa mga opisyal ng pamahalaan na magsumite ng kanilang medical certificate taun-taon para malaman kung kaya pa nilang gampanan ang kanilang trabaho. Sa ilalim ng Senate Bill 1818, nakasaad na dapat magsumite ang mga opisyal ng pamahalaan ng medical certificate at laboratory test results bago o pagsapit ng Abril 30 ng bawat taon. Sa ganitong paraan, sinabi ni Sotto na mapapataas ang antas ng health consciousness sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan. Bukod doon, matitiyak din umano na nasa mahusay na pangangatawan at isipan ang mga nagsisilbi sa gobyerno na kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin. Sa panukala, ipinaliwanag ni Sotto na ang mga “public officials and employees” ay kinabibilangan ng inihalal at itinalagang mga opisyal at kawani, permanent o temporary, at maging ang militar at pulis.
Umaabot na sa 19 train sets ang tumatakbo sa riles ng Metro Rail Transit Line-3.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na kabilang dito ang 16 na CKD train sets at tatlong Dailian train sets. Ang tatlong Dalian ay pansamantalang tinanggap ng DOTr noong Hulyo 2019 at isinailalim sa kinakailangang commissioning matapos dumaas sa internsive realibility, availability, Maintaining and Sustainabiity (RAMS) validation test para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. Pinangunahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagsasailaim sa modification at adjustment ng Dailian trains para maging operational kung saan walang ginastos ang gobyerno. Malaking tulong umano ang karagdagang Dailan trains para mapababa ang waiting time sa mga istasyon at gumaan ang train capacity ng MRT-3. Pinagpapaliwanag ng House Committee on Public Accounts ang Department of Finance (DOF) sa P1.86 trilyong utang ng pamahalaan mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito. Ayon sa komite, hindi maintindihan ng maraming tao kung bakit kaliwa’t kanan ang utang ng gobyerno mula sa ibang bansa at maging sa domestic lenders para ipandagdag umano sa pondo sa paglaban sa COVID-19. Nitong Agosto 28 ay iniulat ni Budget Secretary Wendel Avisado na nagpalabas ang kaniyang departamento ng kabuuang P389 bilyon para sa COVID-19 response. Kabilang dito ang P266.53 bilyon para sa hindi pa natatapos na mga proyekto, aktibidad at mga programa. Sa ilalim ng 2019 at 2020 budgets, nasa P102.06-B ang para sa Special Purpose Funds at P20.48-B sa regular na gastusin ng ahensya. Samantala sa P389 bilyon, P211-B ang ginamit sa dalawang yugto ng pinansyal na tulong para sa 18M low income families na nagkakahalaga ng P5,000 – P8,000 sa ilalim ng Bayanihan 1. Hinikayat din ng komite ang Department of Budget and Management na tukuyin kung anu-ano ang nasabing mga proyekto, aktibidad at programa na pinagkagastahan.
Wala ng magaganap na malawakang lockdowns sa susunod na taon kaya walang inilaan ang gobyerno na pondo para sa Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Malacañang. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tapos na ang pagbibigay ng ayuda dahil wala ng planong magpatupad ng lockdowns at sa halip ay isusulong ang kampanyang ‘ Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay.’ Idinagdag din ni Roque na ang tulong na ibibigay sa ilalim ng Bayanihan II ay para makapag-hanapbuhay ang mga mamamayan na idaraan sa Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, at Department of Agriculture. Wala na aniyang ayuda dahil ang gusto ng gobyerno ay pag-ingatan ng mga mamamayan ang kanilang buhay upang makapag-hanapbuhay at mabuhay ang ekonomiya.
Walang kapalit na bakuna ang pagpapalaya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay convicted killer US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ito ang nilinaw ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na may kinalaman sa bakuna para sa COVID-19 ang ginawang pagpapalaya kay Pemberton ng Pangulo. Ayon kay Roque, nauunawaan niya ang desisyon ng Pangulo dahil nagnanais si Duterte na kapag mayroong nadebelop na bakuna ang Amerika ay makinabang din ang Pilipinas. Naniniwala rin siya na ang desisyon na bigyan ng pardon si Pemberton ay matapos ang pag-uusap nina US President Donald Trump at outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim. Kahapon ay nilagdaan na ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag ang release order ni Pemberton matapos matanggap na rin ang inilabas na kautusan ng Malacañang na absolute pardon ni Pangulong Duterte. Si Pemberton ay nakulong na ng anim na taon, o mahigit kalahati sa 10 taong sentensiya na iginawad sa kaniya ng korte kaugnay sa pagpatay sa Pinoy transgender na si Jennifer Laude noong Oktubre 2014. Una nang inutos ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74 ang pagpapalaya kay Pemberton na ‘eligible’ sa maagang pagpapalaya na ibinatay sa good conduct time allowance (GCTA). Inaasahang anumang oras ay maililipat na sa kustodiya ng BI si Pemberton mula sa Camp Aguinaldo at tuluyang lalaya ngayong weekend.
Pormal nang sinampahan ng kaso ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang taong itinuturong siyang may pakana ng fake news na kumalat sa social media, kung saan kinu-quote ang kalihim na nagpapayo sa mga mag-asawa na mag-praktis ng physical distancing matapos silang magtalik.
Kinumpirma ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na natapos na ng PNP ang imbestigasyon sa kaso at natukoy ang isang Gabriel Marvin Cabier, 26, na residente ng Cebu City, ang siyang nasa likod nito. Nabatid na kabilang sa mga kasong isinampa laban kay Cabier ay paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code (Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances) na may kaugnayan sa Section 6 ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 at Article 142 RPC na inamiyendahan ng Presidential Decree 1974 na may kinalaman sa RA 10175. Magugunitang nag-post si Cabier sa Facebook page na “One Ride One Shot” na naglalaman ng naturang fake news na nagkaroon ng 11,000 shares, 3,600 reactions at 1,900 comments hanggang ala-1:20 ng hapon noong Agosto 11, 2020. Sinabi ni Malaya na nakumpirma ng PNP-CIDG na ang administrator ng naturang page ay si Cabier. Habang isinusulat ang balitang ito ay hinihintay pa ng DILG ang paglalabas ng subpoena ng Investigating Prosecutor hinggil sa kaso habang ang naturang kontrobersiyal na paskil ay matagal na umanong binura ng administrator ng naturang pahina. |
Radyo LipenioRadyo Lipenio is the #1 Online Radio News FM recognized by City Government, member of CMOI - CALABARZON MEDIA ORGANIZATION, INC., partnered with iRadio KSA and Aksyon Lipenio. Archives
September 2020
Categories |