Dalawang armadong kalalakihan ang patuloy pa ding pinaghahanap matapos pasukin ang isang convinience store sa Brgy. San Carlos, Lipa City, Batangas.
Ayos sa report, naganap ang insidente alas 8:33 ng umaga nang magpanggap ang dalawang suspek bilang mga kustomer. Agad nagdeklara ng holdap at tutok ng baril sa kahera ng nasabing establisemento. Nilimas ng mga suspek ang laman ng main vault at ikinulong ang mga empleyado sa storage room bago tumakas ang mga biktima patungo sa direksyon ng Brgy. Tibig at Brgy. Tangway . Patuloy pa din ang paggulong ng imbestigasyon.
0 Comments
Uubusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nalalabing dalawang taon ng kanyang panunungkulan upang ipakulong ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sangkot sa korapsiyon.
Sinabi ni Duterte na dapat ikulong lahat ng mga sangkot at siya mismo ang mag-eendorso ng kaso. Nais din ng Pangulo na ilathala sa tatlong pahayagan ang mga perang nagastos ng gobyerno kasama na ang sa PhilHealth. Kahit ang perang ibinili ng paperclip ay dapat malathala sa mga pahayagan. Matatandaan na bukod sa imbestigasyon ng Senado, nagbuo ng isang task force si Duterte sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) upang imbestigahan ang mga alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth. May 440 private schools ang pansamantalang nagsara at tumigil ng kanilang operasyon ngayong School Year 2020-2021 dahil sa kakaunting enrollees. Sa datos ng Department of Education (DepEd), ang bilang ay mula sa 14,435 private schools sa bansa. Ang Central Luzon ang may pinakamaraming pribadong paaralan na nagsuspinde ng operasyon na umabot sa 88. Sumunod ang Calabarzon na may 67 at National Capital Region na may 54. Una nang sinabi ng DepEd na kaunti ang bilang ng mga estudyanteng nagpa-enroll sa private schools matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kita ng kani-kanilang pamilya. Sa rekord ng DepEd, hanggang nitong Lunes ay nasa 1.7 milyong estudyante pa lang ang nagpa-enroll sa private schools. Ang naturang bilang ay 41.47% lamang ng 4.3 milyong estudyante na pumasok sa mga pribadong paaralan noong nakaraang taon. Ayon sa DepEd, umabot naman sa 398,010 ang bilang ng mga private school students na lumipat sa mga public schools hanggang nitong Lunes. Nangako ang Manila Electric Company na hindi muna magpuputol ng kuryente hanggang Oktubre ng taong ito habang magbibigay rin ng P101-M relief sa mga consumer nito sa gitna na rin ng pandemya sa COVID-19. Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, pinakinggan ng Meralco ang apela ng Kamara na magbigay ng relief sa mga lifeline customers nito at palawigin rin ang deadline sa pagbabayad ng electricity bills. Sa katatapos na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Meralco President at Chief Executive Officer Ray Espinosa na ang kumpanya ay magbibigay ng P101M relief sa mga customer nito na gumagamit ng mas mababa sa 100 kilowatt –hours kada buwan. Una rito, pinakiusapan ni Cayetano si Meralco Chairman Manuel Pangilinan at Senior Vice President Atty. William Pamintuan nitong Hulyo na ikonsidera ang pagbibigay ng 50% discount at iantala muna ang paniningil sa electricity bills lalo na sa mga naapektuhang sektor. Sa nasabing pagdinig, sinabi ni Espinosa na ang relief ay katumbas ng distribution charge na 2.77M lifeline customers noong Pebrero 2020. Naging triple ang bilis ng pag-download mula sa Internet para sa fixed broadband ng Pilipinas, ayon sa pinakabagong Ookla Speedtest Global Index Report. Ayon sa report, naging 25 Mbps na ang average download speed para sa fixed broadband nitong July 2020 mula sa dating 7.91 Mbps noong July 2016 samantalang lampas doble naman ang average download speed para sa mobile broadband – naging 16.95Mbps para sa parehong buwan ngayong taon mula sa dating 7.44Mbps noong July 2016. Sinabi ng mga technology expert na isang magandang tiyempo ang pagbilis ng Internet ng bansa, lalo’t maraming Pilipino ang nakadepende rito ang trabaho, kabuhayan, at pag-aaral ngayong panahon ng quarantine. Nangyari ang pagbilis ng Internet ng bansa makaraan itong kastiguhin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address ngayong taon. Samantala, pinuri naman ng Department of Information and Communications Technology ang mga lokal na pamahalaan at ang Department of the Interior and Local Government dahil sa pagsuporta na bawasan ang mga permit at pabilisin ang proseso pagdating sa pagtatayo ng mga cellular tower na makatutulong sa lalo pang pagbuti ng telecommunication services. Iniulat ni Interior Sec. Eduardo Año nitong nakaraan lang na aprubado na ng mga lokal na pamahalaan ang 1,503 ng 1,930 nakabinbing aplikasyon para sa tower construction ngayong 2020. Binuweltahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na inakusahan niyang “ginagatungan” ang hindi magandang sitwasyon ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang taped public address, partikular na tinukoy ni Duterte si Robredo na nagsalita kamakalawa tungkol sa mga problemang kinakaharap ng bansa. Ipinaalala ng Pangulo na nagiging desperado ang mga tao sa panahon ng pandemic. Nauna rito, nilatag ni Robredo ang mga panukala na maaaring gawin ng gobyerno sa pagharap sa health crisis. Ayon pa kay Robredo, ang gobyerno lang sa ngayon ang maaaring mag-abot ng salbabida sa ekonomiya dahil narito ang pondo at makinarya. Pero sinabi ni Duterte na hindi dapat sinisira ang gobyerno dahil maaapektuhan tayong lahat. Matapos ang dalawang pagsabog kahapon ng tanghali na ikinasawi ng 14 at ikinasugat ng mahigit 70, inirekomenda ni Philippine Army (PA) commander, Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ang pagdedeklara ng Martial Law sa Sulu.
Ayon kay Sobejana, dapat lamang na ipatupad ang Martial Law upang maibalik sa normal ang sitwasyon at makontrol ang kilos ng mga terorista. Sinabi ni Sobejana na kailangan na makontrol ang galaw at kilos ng mga terorista dahil kung hindi ay patuloy ang mga ito sa pananakot sa mga sibilyan. Gayunman, hindi masabi ni Sobejana kung hanggang kailan itatagal ang Martial Law sakaling maaprubahan. Aniya ang sitwasyon lamang ang makapagsasabi kung kailan ito ipatutupad sa Sulu. Nilinaw ni Sobejana na ang Martial Law ay kailangan pang dumaan sa chain-of-command at isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana. Samantala, inako ng Islamic State ang pagpapasabog sa Jolo. Ito ang lumabas sa SITE, isang online website ng Estados Unidos na nagmomonitor sa mga website ng mga militanteng grupo ng mga Muslim Itinatwa ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Duterte na may kinalaman siya o kakilala niya ang mga nagsusulong ng revolutionary government. Noong nakaraang Sabado ay nagpulong sa Clark Freeport sa Pampanga ang People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change para isulong ang isang revolutionay government. Nauna ng sinabi ng Malacañang na hindi suportado ng Pangulo ang grupo at nakatutok lang ang atensiyon ng Pangulo sa COVID-19 response. Tiniyak din ni Roque na isasalin ni Duterte ang kapangyarihan kung sino ang mananalong presidente sa 2022. Umakyat uli ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa mga huling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), Martes. Ngayong araw ay nadagdagan pa kasi nang 2,965 ang kabuuang bilang ng nahahawaan ng nakamamatay na sakit, bagay na nag-aangat sa total infections sa 197,164. Nakuha ang mga naturang resulta mula sa 86 sa 109 lisensyadong laboratoryo. Sa ngayon, umabot na sa 2.20 milyon ang nate-test para sa COVID-19 sa Pilipinas sa ngayon. Natagpuan sa mga sumusunod na lugar ang pinakamaraming bagong kaso ngayong araw: National Capital Region (1,575) Negros Occidental (237) Laguna (151) Cavite (129) Batangas (95) Pero kapag inawas ang mga namatay at gumaling sa COVID-19, 61,730 na lang ang matitirang aktibong kaso. Sa kasamaang palad, patay naman ang 34 pang katao. Sumatutal, nasa 3,038 na ang nasasawi mula sa SARS-CoV-2 — ang virus na nagsasanhi sa COVID-19. Pinakamarami pa rin sa mga namatay sa nagmula sa mga sumusunod na lugar: NCR (22) Central Visayas (4) CALABARZON (3) Region 5 (2) MIMAROPA (1) Northern Mindanao (1) Repatriate (1) Magaling naman na sa nasabing sakit ang 368 katao sa ngayon. Nasa 132,396 na lahat-lahat ang mga recoveries sa Pilipinas sa ngayon. Umabot na sa 23.31 milyon ang nadadali ng COVID-19 sa mundo. Sa mga 'yan, 806,410 na ang namamatay, ayon sa World Health Organization (WHO). Hindi pabor ang ilang mga nasa pamunuan ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) sa mungkahing "revolutionary government" ng ilang grupo upang pabilisin ang mga nais na pagbabago sa 1987 Constitution. 'Yan ang pahayag ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, bahagi ng CBCP Permanent Council, sa isang panayam ng Radio Veritas. Ika-22 ng Agosto nang magtipon ang 300 katao sa Clark, Pampanga para manawagan kay Duterte na pangunahan ang rebolusyonaryong gobyerno para pabilisin ang proseso ng pagtatayo ng pederalismo. Ayon kasi sa Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), kulang na ang oras kung idadaan sa constitutional convention o constituent assembly ang pagbabago ng konstitusyon. Payo ni Jumoad, imbis na itulak ang pederalismo sa pamamagitan ng revolutionary government ay may kapangyarihan namang manibak ng mga tiwaling opisyales ang presidente, lalo na't pangako ni Duterte ang paglinis sa hanay ng pamahalaan. Ilan sa mga opisyales na idinadawit ngayon sa isyu ng korapsyon ay si PhilHealth chief Ricardo Morales, na idinidikit ngayon ang pangalan sa diumano'y P15 bilyong halaga na iligal na ibinulsa diumano ng mga opisyales nito. Ayon naman kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, imbis na makatulong ay baka maabuso pa raw ang ibibigay na kapangyarihan kay Duterte kung matutuloy ang plano. Iginigiit ng MRRD-NECC ang "Rev Gov" kahit Hunyo 2019 pa lang nang sabihin ni Digong na maaaring hindi na suportahan ng taumbayan ang tunguhing pederal, bagay na matagal na niyang ikinampanya bago pa tumakbo sa pagpangulo. Palasyo, PNP dumistansya Kahapon lang nang sabihin ng Malacañang na wala silang kinalaman sa muling paglulutang ng ideyang revolutionary government, bagay na dati nang nabanggit ni Duterte sa kanyang mga talumpati. Sabi naman ni presidential legal counsel Salvador Panelo, tila nahuhuli na ang panawagan ng mga nasabing grupo. Maliban pa riyan, kinakailangang "overwhelming call" ito ng publiko at hindi lang ng iilan. Bagama't imbitado sa ilang pulong ang Philippine National Police (PNP), kinumpirma nilang hinding-hindi nila susuportahan ang mga ganoong tipo ng panawagan. |
Radyo LipenioRadyo Lipenio is the #1 Online Radio News FM recognized by City Government, member of CMOI - CALABARZON MEDIA ORGANIZATION, INC., partnered with iRadio KSA and Aksyon Lipenio. Archives
September 2020
Categories |