Isang cabin steward ng cruise ship ang nakahanap ng paraan upang kumita habang hindi pa ito makasampa sa barko ngayong nasa community quarantine ang bansa.
Si Juno Cayabyab ay nakabalik sa Pilipinas noong Marso 6 par magbakasyon ngunit naipit na sa lockdown dahil sa pandemya. Nakaisip ito ng pwedeng gawin para may kabuhayan ngayong panahon. "In-encourage po ako ng Tita Hannah ko na mag-business po habang nakatambay ako dito," sabi ni Cayabyab. "Binigyan niya po ako ng 2,000 pesos para po mag-start ng business." Kahit 5 araw pa lamang ang itinatakbo ng bagong negosyo, sold out parati ang kaniyang mga tindang barbecue. Pwede ding delivery ang kaniyang produkto at sa halagang P10 kada stick, o 13 sticks para sa P100, talagang nag-click ang kaniyang business. Kumita na siya ng Php 20,000 mula noong siya ay nagsimula. "Kailangan ko po talagang bumalik ng pagbabarko kasi mas malaki talaga ang kita mo," saad niya. "Ang goal ko talaga is to provide po para sa family ko. Hanggang kaya ko talaga as in magpapaka-selfless ako para lang sa family ko." Source: GMA News
0 Comments
Binigyang pagpupuri ni Senator Richard Gordon ang isinagawang inagurasyon sa Beaching Ramp sa Pag-asa Island nitong Huwebes, na tinawag pa niyang "fitting symbol" ng selebrasyon ng ika-122 taong anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.
“The island of Pag-asa, in English—hope, carries a name symbolic of the aspirations of our people. These aspirations moved our heroes in 1898 to rise up against foreign domination and proclaim the independence of the Filipino people," ani Gordon. "Now, a hundred twenty-two years later after that proclamation, there is a need for us to be more vigilant than ever to maintain our independence, to beware of foreign domination in disguise, to be able to defend our national interests, to protect our people," dagdag pa ng senador. Noong Hunyo 9 ay pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzan ang nasabing inagurasyon. Pahayag ni Gordon, dapat ipagpatuloy ng gobyerno ang pag-invest sa mga proyektong makakatulong sa development ng mga malayong komunidad at preserbasyon ng yamang dagat ng bansa. Source: GMA News Ang malakas na ulang nitong Huwebes ng umaga ay nakapagdagdag sa hirap sa pagbyahe ng mga commuters na kinakailangan makapasok sa trabaho lalo’t limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa Kamaynilaan.
Ayon sa ulat ni James Agustin sa “24Oras”, marami sa commuters mula sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City ang nagsimula ng mag-antay bago pa lamang sumikat ang araw. Si Johny Pabros, na isang electrician, ay kinailangang habulin ang lahat ng bus na daraan sa pag-asang makakasakay siya papuntang Taguig City. “Isang bus pa lang dumadaan eh… Kaya siguro baka tatanghaliin ako,” aniya. Samantalang si Lea Buena naman ay nag-aabang na umano ng masasakyan bandang alas-4 pa lamang ng umaga kahit malakas ang ulan. “Ang hirap ho. Grabe. Pangatlong bus na (yata ’tong hinahabol ko),” saad niya. “Thirty minutes na wala pa rin. Siksikan pa. Maulan pa,” pahayag naman ni Connie Gilham, isa ring manggagawa. Matapos ang ilang oras ay may dumating na free rides mula sa pamahalaan ng Quezon City at ng Armed Forces of the Philippines, upang maihatid ang mga commuters na nabasa na sa ulan. Source: GMA News Upang mabigyan ng prayoridad ang paghahatid sa iba't-ibang probinsya ng mga manggagawang stranded sa Kamaynilaan, pansamantalang sinuspinde ng pamahalaan ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program.
Ito ay base sa naging pahayag ni National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada Jr. nitong Huwebes, na nagbigay direktiba ang Pangulo na tulungan munang makauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa ipinatupad na lockdown. "This was a clear instruction from the President, unahin pauwiin ang ating mga kababayan na stranded dito sa Maynila and these are the OFWs, the construction workers, ating mga turista at mga estudyante. That is the arrangement right now,” ani Escalada, sa isang televised briefing. Ipagpapatuloy naman umano ang Balik Probinsya Program kapag natapos nang tulungan ang mga na-stranded na tao. “I foresee that in the next month, let’s say for example July, I think bababa na ang demand ng stranded and therefore [ang] Balik Probinsiya will now take our second rollouts by that time,” Aniya. “We want to make sure that on one hand the LGUs are ready to receive their own constituents by then,” dagdag pa niya. Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Senator Bong Go, na ipinatupad sa pamamagitan ng pinirmahang Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte. Naglalayon ang programa na mabawasan o magkaroon ng decongestion sa Maynila, at tutulungan ang sinumang nagnanais na umuwi sa probinsya. Nitong Miyerkules ay nanawagan si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr., na suspindihin ang naturang programa matapos na may magpositibo sa COVID-19 sa mga umuwi sa kanilang lalawigan. Source: GMA News Nag-usap sa telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping nitong Huwebes ng gabi, sa bisperas ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ayon sa embahada ng Tsina sa Maynila, sinabi ni Xi na magkaagapay ang dalawang bansa sa pakikipaglaban sa COVID-19, "demonstrating the brotherly friendship of mutual help." "I am glad to see that under your leadership, the Philippines has introduced a series of strong prevention and control measures and achieved positive results," pagsipi ng embahada sa sinabi ni Xi kay Duterte. Sinabi rin umano ni Xi na handang magpatuloy ang China sa pagbibigay ng matatag na suporta sa mga pangangailangan ng Pilipinas. "China upholds the concept of a community of shared future for mankind, provides funds, experience and confidence for global prevention and control, and extends a helping hand to countries in need," ani Xi. "China is willing to work closely with the Philippines to support the international community in uniting against the epidemic, WHO to better play its leading role and jointly build a human health community," dagdag pa niya. Sinabi ni Duterte na ngayong 2020 ay minamarkahan ang ika-45 anibersaryo ng pagtatatag ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China. "Under your strong leadership, China has not only successfully controlled the pandemic itself, but also generously extended a helping hand to partners such as the Philippines," pagsipi ng embahada sa sinabi ni Duterte. Ayon kay Pangulong Duterte, sinabi umano ni Xi na ang bakuna ng China ay magagamit bilang isang pandaigdigang produkto na magiging bukas sa publiko pagkatapos nitong makumpleto ang pagsasaliksik. "The Philippines will always be a friend of the Chinese people and will not allow anyone to use the Philippines to engage in anti-China activities," ani Duterte. "The Philippines is willing to continue to strengthen cooperation with China and WHO," dagdag pa ng pangulo. Source: GMA News Nagbihis ang aktibistang si Mae Paner bilang si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas nitong Biyernes sa isaigawang bersyon ng "mañanita" ng ilang militanteng grupo ngayong Araw ng Kalayaan sa University of the Philippines (UP).
Nagsuot si Paner ng orange shirt at khaki shorts, katulad ng sinuot ni Sinas sa kaniyang “highly-criticized birthday celebration” noong Mayo 8. Sumama si Paner sa nasabing protesta habang may dalang bungkos ng bulaklak bilang pag-alala sa pagbibigay ng rosas kay Sinas ng kaniyang mga subordinates. Samantala, makikita rin ang isang Voltes V themed cake na ibinigay kay Paner, tulad ng iniabot noon sa nasabing opisyal. Matatandaang si Senator Francis Pangilinan ang nagbigay ng ideya sa mga aktibista na tawaging “mañanita” ang kanilang gagawing pagpoprotesta ngayong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan. Source: GMA News Dumarami ang mga Locally Stranded Individuals (LSI) na nag-aantay sa NAIA para makabalik sa kani-kanilang mga probinsiya matapos makansela ang flight. Kahit pa ganito ang sinapit, may nakapanloko pa sa kanila at nagbenta ng pekeng plane ticket.
Idinala sa Villamor Air Base Elementary School ang mga LSIs na may 3 araw nang naghihintay sa NAIA Terminal 3 para doon muna pansamantalang manatili. Nagbaka sakali ang iba na makalipad dahil may kasamahan ding wala pang tiket papuntang Davao. "Lahat ng taga-Davao walang ticket nakaalis na eh. North Cotabato na kami. Siyempre matagal na kami dito, ilang buwan na kami, so ginrab namin 'yung opportunity na makauwi," saad ni Mary Joy Bation. Ipinabatid ng Department of Transportation (DOTr) na nakaalis na ang mga pasaherong papuntang Davao sakay ang huling sweeper flights noong weekend. Gagawing prayoridad umano ang maibiyahe ang mga may ticket pero nakansela ang flights. Mayroon palang nag-aalok ng pekeng tiket a mga na-stranded. Sinabing tutulungan raw silang magbook ngunit tinangay lang pala ang kanilang pera. "Pinresent na sa check in counter 'yung ticket, it turned out fake po 'yung ticket. So nananawagan kami sa ibang mga kababayan natin, hindi ho ito 'yung panahon ng panloloko o panlilinlang sa mga kapus-palad nating kababayan. Nalalagay na nga sila sa hindi magandang sitwasyon, nakukuha pa nating manloko," sabi ni DOTr Assistant Secretary Eymard Eje. "Ginawa ho yata ito ng mga manning agencies para mapalabas lang 'yung mga binabantayan nila or inaalagaan nila. Itutulak po namin 'yung pag-iimbestiga doon sa mga insidente," dagdag ni Eje. Source: GMA News Humingi ng paumanhin ang PTV, isang state-run channel, sa pagkakamali sa pagkilala kay dating Pangulong Emilio Aguinaldo bilang ang rebolusyonaryong pinuno na si Andres Bonifacio.
Nagamit ang larawan ng dating pangulo sa isang feature na dapat sana ay kay Andre Bonifacio. Ang nasabing video ay parte ng PTV’s special coverage para sa ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas nitong Biyernes. “The said error was already corrected and the revised version will be uploaded in the network's social media pages,” saad ng PTV. “We sincerely apologize for this mistake. Rest assured that under the new PTV management, necessary training and skills development will be initiated to avoid similar inaccuracies.” dagdag pa nito. Source: GMA News Nanawagan si Camarines Sur Representative at Deputy House Speaker Luis Raymond Villafuerte sa kaniyang mga kasamahan na bumoto laban sa panukalang Anti-Terrorism law na magbitiw mula sa kanilang mga puwesto.
Inihayag ni Villafuerte na ang pagtutol sa hakbang na ito, na papahintulutan ang pag-aresto sa mga indibidwal na pinaghihinalaan bilang isang terorista sa loob ng 14 hanggang 24 araw kahit na walang warrant, ay naglalagay umano sa kanila sa diskwalipikasyon na maging parte ng majority coalition. “My personal opinion is that those who voted against the measure and are part of the majority leadership holding key positions and chairmanships should have the professional decency and ethical standard to resign from their leadership posts for voting against the majority position, especially it was certified as urgent by the President who leads the majority coalition,” pahayag ni Villafuerte. Dagdag din nito na walang miyembro ang tinanong o pinuwersa na bumuto pabor sa hakbang. “It was a conscience vote and choice for everyone. However, if it’s in your conscience to oppose the measure, you should also have the conscience to resign from your leadership position. You cannot be a member of the majority and oppose its position and stand,” paliwanag ng kongresista. Sinabi rin ni Villafuerte na ang mga miyembro ng Kongreso na nais magbago ng kanilang mga boto ay hindi na pinahihintulutan. “Fellow congressmen who announced publicly that they changed their votes regarding the Anti- Terrorism bill has no bearing and they cannot just change their vote by announcing to the public,” pahayag nito. “There are rules and procedures they have to follow to change their vote and in this case it has to be formally changed and registered in the plenary,” dagdag pa ni Villafuerte. Natapos na ang unang regular na sesyon ng Kongreso nitong Hunyo 5 samantalang nakatakda namang buksan ang ikalawang regular na sesyon sa darating na Hulyo 27. Ang tila tinutukoy ni Villafuerte ay ang 11 sa kaniyang mga kasamahan na iniurong ang kanilang pagboto pabor sa Anti-Terror bill. Kabilang dito ang mga kongresistang sina Joey Salceda ng Albay, Lorna Silverio ng Bulacan, Noel Villanueva ng Tarlac, Lito Atienza ng Buhay party-list, at Emmanuel Billones ng Capiz. Sa kabilang banda, may ilan ding mga kongresista ang nagtama ng kanilang botong “yes” patungong abstentions. Kabilang dito sina: • Sol Aragones ng Laguna, • Manuel Zubiri ng Bukidnon, • Roman Romulo ng Pasig, • Helen Tan ng Quezon, • Cheryl Deloso-Montalla ng Zambales, • Irene Saulog ng Kalinga, • Marissa Andaya ng Camarines Sur, • Evelina Escudero ng Sorsogon, at • Rommel Angara ng Aurora. Itinama rin ni Ang Probinsyano party-list Representative Ronnie Ong ang kaniyang boto patungong “no” samantalang si Negros Oriental Representative Arnie Teves ay nagsabi na hindi ito nakaboto. Sa mga nabanggit na mambabatas, si Salceda ang namumuno sa House ways and means panel, si Romulo sa House committee on basic education and culture, habang si Montalla naman ang nangunguna sa House committee on revision of laws. Si Aragones ang namumuno sa House tourism panel, habang si Zubiri naman ang vice chairman ng House appropriations panel. Si Tan ang namumuno sa House committee on health, samantalang si Andaya naman ang vice chairman ng House committee on natural resources. Si Angara, para sa kaniyang parte, ay ang vice chairman ng House committee on aquaculture and fisheries resources. Samantalang si Escudero naman ang may pinakamataas na ranggo sa lahat bilang deputy speaker. Ang Anti-Terrorism bill, na siya ring magpapataw ng kaparusahan sa mga aksyon na nag-uudyok sa terorismo sa pamamagitan ng pananalita, proklamasyon, pagsulat, sagisag, bandera, at iba pang mga representasyon, ay naghihintay na lamang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang tuluyang maisabatas. |
Radyo LipenioRadyo Lipenio is the #1 Online Radio News FM recognized by City Government, member of CMOI - CALABARZON MEDIA ORGANIZATION, INC., partnered with iRadio KSA and Aksyon Lipenio. Archives
September 2020
Categories |