Isang frontliner mula sa Philippine Coast Guard (PCG) ang nasawi at anim ang nasaktan nitong Martes, matapos na maaksidente sa Batangas habang pauwi sa Metro Manila upang mag-assist ng stranded overseas Filipino workers (OFWs).
Ang aksidente ay nangyari bandang 2:43 p.m. kung saan isa sa mga gulong ng multipurpose van na sinasakyan ng mga ito ang sumabog habang sila ay nasa kahabaan ng STAR Tollway sa Ibaan, Batangas. "Of its seven PCG frontline personnel aboard, one was declared dead on arrival at the Batangas Healthcare Specialists Medical Center at around 03:29 p.m. He was identified as Apprentice Seaman (ASN) Cenen Epetito," pahayag ng PCG sa Facebook. Sa anim na nasaktan, isa si ASN Adrian Añonuevo, na nakakuha ng minor hematoma at nananatili sa ilalim ng intensive medical supervision, ayon sa PCG. Ang iba pang biktima na "conscious and coherent" ng dumating sa ospital ay sina: Seaman Second Class (SN2) Pacifico Casipi, SN2 Erdie Rojales, ASN Rouin Alvarez, ASN John Kristopher Mojica, and Candidate Coast Guard Man (CCGM) McLester Saguid Dineklarang nasa maayos na konsidyon ang lima at sumailalim na sa iba’t-ibang uri ng tests. Sinabi ng Coast Guard, na ang pito ay mula sa PCG District - Timog Tagalog sa Sta. Clara, Batangas at patungo sa Ninoy Aquino International Airport upang magbigay ng tulong sa "Bayanihan Repatriation" program para sa mga OFW. "The Command will extend necessary assistance to the bereaved family of ASN Epetito who selflessly fought the battle for public health and safety amid COVID-19 pandemic," ani PCG. Samantala, ang mga nakaligtas, ay tatanggap umano ng medikal na paggamot hanggang sila ay tuluyang maka-recover at maisagawang muli ang kanilang tawag sa tungkulin. Source: GMA News
0 Comments
Nakatakdang parusahan ang isang pulis matapos makatakas ang tatlong preso sa oras ng pangangasiwa nito sa isang kulungan sa Bayan ng Calauan, Laguna.
Ayon sa isang ulat mula sa kapulisan ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), nangyari ang pagtakas bandang ala una ng madaling-araw nitong Martes, Mayo 26, sa Calauan municipal police detention facility. Nakahanap umano ng pagkakataon ang mga bilanggo na makatakas matapos hayaan ni Staff Sergeant Eric Yrigan na palabasin sa kanilang mga selda ang mga presong sina Jaycin Lucrida at Melbert Roxas upang siya ay masahihin ng mga ito. Ihahatid na umano ni Yrigan sina Lucrida at Roxas pabalik sa kanilang mga selda ngunit dito kumuha ng pagkakataon si Roxas, may kasong rape, na tumakbo. Ang dalawa pang mga bilanggo na sina Noel Ibareta at Mark Spencer Mendoza, na may kasong murder at rape, ay tumakas din habang binubuksan ni Yrigan ang selda ng mga ito. Muling nahuli si Roxas sa isang baryo sa Silangan ng Calauan habang patuloy naman ang paghahanap sa dalawa pang mga nakatakas. Base sa ulat ng kapulisan, sasampahan ng kaso si Yrigan at ang iba pang mga empleyado sa piitan para sa posibleng pagpapabaya sa kanilang mga tungkulin. Source: Inquirer May 134 na barangay executives ang kumakaharap ngayon sa criminal charges sa Prosecutor's Office ng Department of Justice ukol sa iregularidad na nangyari sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) na dapat ay mapupunta ng buo sa tamang benepisyaryo.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Mayo 26, marami pa ang lumapit sa kinauukulan upang maghain ng reklamo laban sa mga opisyal ng barangay na diumano'y kinukurakot ang pondong nakalaan para sa bayan. Lumobo ang bilang ng mga iimbestigahang opisyal. Noong Mayo 20 ay mayroon lamang 42 ang nakasuhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation Group (PNP-CIDG). “Hindi ninyo matatakasan ang mga panlolokong ginawa ninyo sa pamimigay ng ayuda. Sinira ninyo ang tiwala ng gobyerno at ng inyong mga kabarangay kaya sa kalaunan, sa kulungan ang bagsak ninyo,” sabi ni DILG Secretary Eduardo Año. Ayon kay Año, may 9 pang kaso ang isasampa sa mga darating na araw, habang pinapabilis naman ang pangangalap ng matibay na ebidensiya laban sa 86 pang ibang mga kaso. May kabuuang 318 ang nagpunta sa PNP-CIDG upang magreklamo ang magbigay ng pahayag laban sa mga sangkot sa korapsyon. “We are grateful to the DOJ and the Prosecutor General for prioritizing these cases. We need to send a strong message to corrupt barangay officials that their criminal activities will not be tolerated,” sabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Kabilang na sa mga reklamong natanggap ng ahensiya ay ang pagkakaroon ng dagdag na kamag-anak ng opisyal sa listahan. “Ilang beses na naming inuulit. Hindi criteria ang pagiging kamag-anak o kakampi sa politika sa pamimigay ng SAP. Para ito sa mga kapus-palad ano man ang katayuan,” wika ni Malaya. Mayroon ding may processing fee na hinihingi para umano ma-claim ang cash aid. “Sa Sta. Maria, Ilocos Sur naman, isinuplong ng mga residente ang isang punong barangay dahil sa pagkaltas ng tig-P2,000 mula sa 132 SAP recipients. Akala siguro nitong mga opisyal ng barangay na ito ay middleman sila at kailangang may komisyon sila mula sa SAP,” dagdag niya. Source: DILG Inihayag ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos nitong Miyerkules, Mayo 27, na hindi alam ng kanilang lokal na pamahalaan kung paanong halos 255 tricycle drivers mula sa kanilang lungsod ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa pamamagitan ng rapid testing.
Sa isang panayam kay Abalos, sinabi nito na hindi pa nila naiimbestigahan kung paanong naipasa ang virus sa mga tricycle driver sa Mandaluyong City. Dagdag pa nito na ang mga tricycle driver na nagpositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng rapid testing ay pansamantala munang hindi makababiyahe. “Hindi pa naman sila bumibiyahe talaga, actually ang sabi ko kasi hangga’t walang rapid test, hindi sila puwedeng bumiyahe,” pahayag ni Abalos. “Hindi mo ma-trace kung sasabihin mo na nahawa kung kanino kasi nga random ‘yung aming ano eh. Iba-ibang barangays itong mga drivers na ‘to eh kaya di namin masabi kung nahawa kung kanino…” pagpapatuloy ng alkalde. Sinabi rin nito na ang 255 na mga tricycle diver na pawang mga asymptomatic o walang ipinapakitang sintomas ng sakit ay nagmula sa iba’t ibang mga barangay sa lungsod. “Kapag nagpositive sila sa rapid test, automatic ‘yan ipapa-swab natin, ‘yung PCR. Then, automatic din na i-isolate na namin sila and then of course, ‘yung kayang magpa-isolate sa bahay, home quarantine, o hindi kaya nilalagay namin sa isang gym or sa isang school namin…” paliwanag ni Abalos. Paniniguro naman ng alkalde sa publiko, isinailalim na nila ang mga tricycle driver sa isolation upang maiwasan na makahawa pa ang mga ito. Samantala, sinabi rin ng Mandaluyong City Public Information Office, na kinakailangan ng mga tricycle driver na makapagpakita ng sertipikasyon na negatibo ang mga ito mula sa COVID-19 upang makabiyaheng muli. Source: Manila Bulletin Hindi pa rin pahihintulutan ang mga bus at jeep na ipagpatuloy ang kanilang mga operasyon kahit na ilipat ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) sa kabila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Ito ay ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.
Sa isang public briefing nitong Miyerkules, Mayo 27, binigyang-diin ni Garcia na magiging mahirap para sa mga otoridad na i-monitor kung sumusunod ba ang mga pasahero sa mga bus at jeep sa physical distancing. "Pagdating sa PUVs (public utility vehicles), huwag na lang po muna 'yung buses and jeepneys kasi mahirap i-kontrol dito yung physical distancing. Alam naman natin ang jeep natin at bus ay stop and go 'yan. May sasakay, may bababa. So mahirap i-monitor," pahayag nito. Sa kabilang banda, ang mga Transport Network Vehicle Service (TNVS), taxi, at tricycle ay papayagang maging operasyonal sa ilalim ng ilang mga kondisyon, ayon kay Garcia. "Pero yung ating pong mga TNVS, taxis, tricycles, 'yan po okay po iyon kasi kaya natin i-monitor kung ano ang laman niyan," paliwanag nito. Source: GMA News Inihayag ng nakakulong na si Senator Leila De Lima nitong Miyerkules ang pagkadismaya sa administrasyon matapos i-anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang magaganap na "mass testing" para sa mga magbabalik-trabaho.
Matatandaang sinabi ng palasyo noong Lunes na hindi sagot ng gobyerno ang "mass testing" para sa mga empleyado dahil limitado lamamg ang pondo ng bansa. "In terms of mass testing na ginagawa ng Wuhan na all 11 million, wala pa pong ganiyang programa at iniiwan natin sa pribadong sektor," saad ni Roque. Hindi nagustuhan ni De Lima ang pahayag na ito dahil isa ang business sector sa pinakaapektado ng pandemya. "Lupaypay na nga ang mga negosyante sa kawalang produksyon at pagkalugi habang nasa lockdown, ipinapapasan pa sa kanila ang dagdag-gastos na ito. Ang lupit nyo!" wika niya. "May emergency powers. May P270 bilyong budget. May US$4.75 bilyong utang mula sa World Bank at Asian Development Bank. Pero walang mass testing. Anyare?” dagdag pa niya. Binigyang linaw naman ng Department of Health na "expanded targeted" testing ang kanilang ibig sabihin sa mga naunang pahayag nito. Mahigit 207,000 individuals na ang sumailalim sa COVID-19 test sa buong bansa, base sa huling datos mula sa online tracker ng DOH. Source: GMA News Photo: ctto Sa isang televised briefing, ipinabatid ni presidential spokesperson Harry Roque na nasa first wave pa lamang ang bansa ng pagkakaroon ng coronavirus disease (COVID-19) base sa pinakahuling datos na nagpapakita ng gradual increase sa bilang ng kaso.
Taliwas sa naunang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, na nakararanas na ang Pilipinas ng second wave ng COVID-19 infections. “Tayo po ngayon ay nasa first wave,” ani Roque nitong Huwebes, Mayo 21. Dagdag pa niya, ang nasabi ni Duque ay isa lamang terminology na maaaring may mas malaking wave na paparating. “Maliit na bagay lang po ito dahil hindi naman pinagtatalunan kung dapat iwasan ‘yung pagkakahawa ng mas maraming numero ng ating mga kababayan,” saad niya. Nang tinanong naman si Roque kung maaring maging concern ang paiba-ibang pahayag ng bawat opisyal, “Medyo sintunado lang siguro po ang isa pero okay naman po ang orchestra,” sagot niya. Sa huli ay humingi ng patawad ang Palasyo sa naging kaguluhang dulot ng sinabi ni Duque, na hindi umano muna sinabihan si Presidente Rodrigo Duterte sa kaniyang interpretasyon ng second wave of infections. “Nagpapaumanhin po kami kung kayo ay naalarma pero ang katunayan po ang siyensya naman po at importante ang pagbasa sa mga waves para alam natin ang gagawin na response," sabi ni Roque. Sinabi rin niya na masyadong maliit na bilang ang tatlong kaso ng COVID-19, na tinutukoy ni Duque, upang maging unang wave ng sakit. “Yung tatlo namang ‘yun napakaliit po para maging isang wave din. Sabihin na lang natin hindi siya nagkamali, kundi nagkaroon ng kakaibang opinyon,” ayon sa kanya. “Alam nyo po ang medisina para ring mga abogado yan. Iisa lang ang batas namin, iba-iba ang interpretasyon. Ganyan din po siguro sa medisina. Iisa ang siyensiya, iisa ang datos, iba ang basa,” pagpapaliwanag niya. “Merong ibang bumasa na iyong tatlong kaso na mga Tsino na imported cases ng COVID ay first wave na. Pero sa tingin ko, kung titignan natin ang depinisyon ng kurbada, ‘yung wave na tinatawag, it is the number of cases over a period of time of community-acquired cases.” Source: GMA News Matapos pahintuin sa isang checkpoint sa kahabaan ng España Boulevard, hindi inaasahang nakatanggap ang isang food delivery rider ng pera na nagkakahalaga ng $100 mula sa nanitang opisyal.
Noong Sabado, Mayo 16, ibinahagi ni Joshua Basa sa kaniyang Facebook account ang kaniyang kuwento nang makatagpo ang isang opisyal kasama ang perang kaniyang natanggap mula rito. Kuwento ni Basa, siya ay nagmamaneho upang kuhanin ang isang food item sa Sta. Mesa, Manila nang siya ay napadaan sa España. Habang pumipila ang mga kapwa nito motorista para sa inspeksyon sa checkpoint, lumipat ito sa kabilang linya matapos makita ang isa pang rider na ginawa rin ito. Isang opisyal ang lumapit sa kaniya at siya ay pinagalitan para sa pagsingit sa linya na ayon kay Basa ay wala naman sa kaniyang intensyon. Sa kabila ng paliwanag na ito ni Basa, nanatili pa ring galit ang opisyal at inutusan ito na isuko ang kaniyang lisensya. “Katakot takot na sermon inabot ko sakanya. Hanggang sa humaba na pakikipagusap ko saknya todo paliwanag lang ako na istudyante lang ako at need lang talaga kumayod para sa sarili ko,” kuwento ni Basa. Habang nagpapaliwanag, hindi naiwasang umiyak ni Basa sa harapan ng opisyal lalo na’t ito ay nagkaroon ng hindi magandang araw sa kaniyang delivery transactions bago pa masita sa checkpoint. “Kaya masama talaga loob ko buong araw. Tapos bigla nalang sya nagsalita tas dumukot sa wallet nya na akala ko ay titicketan na ko,” kuwento ni Basa. Sa kaniyang pagkagulat, hindi ticket ang dinukot ng opisyal kundi pera na nagkakahalaga ng $100 at sinabi kay Basa, “oh eto, tulong ko sayo.” “Tanggapin mo na. Tulong ko sayo yan, gusto ko magtapos ka ha! Ipangako mo sakin!” pamimilit ng opisyal kay Basa. Dahil dito, naantig ang puso ni Basa sa naging aksyon ng opisyal dahilan upang mas lalo pa itong umiyak. “Pag sabi nya non lalo kong umiyak, hindi ko napansin yung halaga ng pera pero sa mga sinabi nya talaga ko nadala,” pagpapatuloy ni Basa. “Mula sa checkpoint, pag pickup, pag drop ko ng item at pag-uwi ko sa bahay iyak lang ako ng iyak,” sabi ni Basa. Kinilala ang nasabing opisyal bilang si Sirjon Nacino na nakita ang Facebook post ni Basa dahilan upang i-message niya ito. Nang tanungin ni Basa si Nacino kung bakit niya ito binigyan ng $100, ang sagot lamang nito, “kasi ako dati pasok baon aral lang, kaya bilib ako sa inyong mga working student na kelangan pa magtrabaho para lang makapag aral.” Source: GMA News The number coding scheme in Cavite is still in effect, according to the provincial government for private vehicles only. Public utility transport vehicles are exempted from the said ordinance, based on the regulations of Inter-Agency Task Force and Department of Interior and Local Government for areas under the General Community Quarantine.
The local government units are tasked to work with the Philippine National Police and other relevant agencies of the National Government in appointing enforcers in strategic locations to ensure compliance by random spot-checking and observing physical distancing measures. DILG MC 2020-083, issued on May 18, states that the LGUs must: 1. Designated enforcers are fully appraised of any existing guidelines of the government relative to enforcement of measures to fight the threat of COVID-19l 2. Enforcers shall at all times maintain their good disposition; 3. Enforcers are provided with necessary Personal Protective Equipment, and are in use at all times; 5. Enforcers shall not violate any human rights in the performance of their duty and; 6. Enforcers shall be provided with hazard pay subject to fund availability and pursuant to the existing government-issued policies on the matter. On May 16, Saturday, the province of Cavite was put under the General Community Quarantine and since then has eased up policies on reopening of businesses, allowing workers to resume work activities, and permitting public and private transportation within the province. Source: DILG Isang 90 anyos na matandang babae mula sa Quezon City na nakaligtas mula sa colon cancer noong 2013 ang gumaling din mula sa coronavirus disease (COVID-19) nitong Huwebes, Mayo 21.
Masayang sinalubong ng health workers ng Philippine Heart Center (PHC) at ng kaniyang pamilya si Natalia Vicente nang ito ay dalhin sa hospital lobby ng PHC para sa kaniyang paglabas sa ospital. “Paglabas niya ng elevator, shocked din siya kasi ang akala niya dalawa ‘yung susundo sa kanya tapos may staff din ng Philippine Heart Center. Nadagdagan din kami bale five sa family na nandoon para sumundo sa kanya,” pahayag ng apo ni Vicente na si Beng Vicmundo. Matapos labanan ang COVID-19 sa loob ng 44 araw sa ospital, makauuwi na si Vicente sa kaniyang tahanan at sari-sari store sa Barangay West Kamias sa Quezon City. Bunsod ng banta ng virus transmission, si Vicente ay pansamantalang ihihiwalay mula sa kaniyang pamilya. “May sakit siya pero wala siyang pamilya na nandoon sa kuwarto na ‘yun. Siya lang. Tapos bibisitahin lang ng nurse,” paliwanag ni Vicmundo. “Sabi niya sa sasakyan: Akala ko hindi na ako makakauwi,” dagdag pa nito. Si Vicente ay dinala sa ospital noong ika-6 ng Abril dahil pneumonia. Di kinalaunan ay nagpositibo siya para sa COVID-19. Matapos ang kaniyang paggaling, pinasalamatan ni Vicente ang frontliners na nag-alaga sa kaniya. Source: GMA News |
Radyo LipenioRadyo Lipenio is the #1 Online Radio News FM recognized by City Government, member of CMOI - CALABARZON MEDIA ORGANIZATION, INC., partnered with iRadio KSA and Aksyon Lipenio. Archives
September 2020
Categories |