Walang kapalit na bakuna ang pagpapalaya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay convicted killer US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Ito ang nilinaw ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na may kinalaman sa bakuna para sa COVID-19 ang ginawang pagpapalaya kay Pemberton ng Pangulo. Ayon kay Roque, nauunawaan niya ang desisyon ng Pangulo dahil nagnanais si Duterte na kapag mayroong nadebelop na bakuna ang Amerika ay makinabang din ang Pilipinas. Naniniwala rin siya na ang desisyon na bigyan ng pardon si Pemberton ay matapos ang pag-uusap nina US President Donald Trump at outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim. Kahapon ay nilagdaan na ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag ang release order ni Pemberton matapos matanggap na rin ang inilabas na kautusan ng Malacañang na absolute pardon ni Pangulong Duterte. Si Pemberton ay nakulong na ng anim na taon, o mahigit kalahati sa 10 taong sentensiya na iginawad sa kaniya ng korte kaugnay sa pagpatay sa Pinoy transgender na si Jennifer Laude noong Oktubre 2014. Una nang inutos ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74 ang pagpapalaya kay Pemberton na ‘eligible’ sa maagang pagpapalaya na ibinatay sa good conduct time allowance (GCTA). Inaasahang anumang oras ay maililipat na sa kustodiya ng BI si Pemberton mula sa Camp Aguinaldo at tuluyang lalaya ngayong weekend.
0 Comments
Leave a Reply. |
Radyo LipenioRadyo Lipenio is the #1 Online Radio News FM recognized by City Government, member of CMOI - CALABARZON MEDIA ORGANIZATION, INC., partnered with iRadio KSA and Aksyon Lipenio. Archives
September 2020
Categories |