Pormal nang sinampahan ng kaso ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang taong itinuturong siyang may pakana ng fake news na kumalat sa social media, kung saan kinu-quote ang kalihim na nagpapayo sa mga mag-asawa na mag-praktis ng physical distancing matapos silang magtalik.
Kinumpirma ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na natapos na ng PNP ang imbestigasyon sa kaso at natukoy ang isang Gabriel Marvin Cabier, 26, na residente ng Cebu City, ang siyang nasa likod nito. Nabatid na kabilang sa mga kasong isinampa laban kay Cabier ay paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code (Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances) na may kaugnayan sa Section 6 ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 at Article 142 RPC na inamiyendahan ng Presidential Decree 1974 na may kinalaman sa RA 10175. Magugunitang nag-post si Cabier sa Facebook page na “One Ride One Shot” na naglalaman ng naturang fake news na nagkaroon ng 11,000 shares, 3,600 reactions at 1,900 comments hanggang ala-1:20 ng hapon noong Agosto 11, 2020. Sinabi ni Malaya na nakumpirma ng PNP-CIDG na ang administrator ng naturang page ay si Cabier. Habang isinusulat ang balitang ito ay hinihintay pa ng DILG ang paglalabas ng subpoena ng Investigating Prosecutor hinggil sa kaso habang ang naturang kontrobersiyal na paskil ay matagal na umanong binura ng administrator ng naturang pahina.
0 Comments
Leave a Reply. |
Radyo LipenioRadyo Lipenio is the #1 Online Radio News FM recognized by City Government, member of CMOI - CALABARZON MEDIA ORGANIZATION, INC., partnered with iRadio KSA and Aksyon Lipenio. Archives
September 2020
Categories |